Pumunta sa nilalaman

Cartagena, Colombia

Cartagena
Lungsod
Cartagena de Indias
Sa taas: Bocagrande Harbour. Ikalawang hanay: Tanawin ng Pulo ng Santa Cruz, Teatrong Heredia. Ikatlong hanay: Torre del Reloj, Pilar Republicano, Kastilyo ng San Felipe Barajas (Castillo de San Felipe de Barajas) (itaas), Charleston Hotel (ibaba). Sa baba: Panoramang urbano ng lungsod.
Sa taas: Bocagrande Harbour. Ikalawang hanay: Tanawin ng Pulo ng Santa Cruz, Teatrong Heredia. Ikatlong hanay: Torre del Reloj, Pilar Republicano, Kastilyo ng San Felipe Barajas (Castillo de San Felipe de Barajas) (itaas), Charleston Hotel (ibaba). Sa baba: Panoramang urbano ng lungsod.
Watawat ng Cartagena
Watawat
Opisyal na sagisag ng Cartagena
Sagisag
Palayaw: 
"The Magic City", "The Cosmopolitan City", "The city of Cartagena", "The Heroic" , "The Rock Corral" , " The fantastic"
Bansag: 
"Primero la Gente"[1]
("People First" (2016–2019)
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 526: Unable to find the specified location map definition: "Module:Location map/data/Colombia" does not exist.
Mga koordinado: 10°24′N 75°30′W / 10.400°N 75.500°W / 10.400; -75.500
Bansa Colombia
Departmento Bolívar
RehiyonCaribbean
PagkatatagJune 1, 1533
NagtatágPedro de Heredia
Pamahalaan
 • Punong bayanManuel Vicente Duque [2]
Lawak
 • Lungsod572 km2 (221 milya kuwadrado)
Taas
2 m (7 tal)
Populasyon
 (2016)
 • Lungsod971,592 [3]
 • RanggoPanglima
 • Metro
1,013,389[3]
Tawag sa tagalugarCartagenero(s) (sa Espanyol)
Sona ng orasUTC-5 (EST)
Kodigo Postal
130000
Kodigo ng lugar57 + 5
HDI (2008)Increase 0.798 – Mataas
Mga santong patronSanta Catalina at San Sebastian
Karaniwang temperatura82º
Websaytcartagena.gov.co (sa Espanyol)

Ang Cartagena, kilala mula noong panahon ng imperyal bilang Cartagena de Indias, ay ang punong-lungsod ng departamento ng Bolívar sa Colombia. Isa ang lungsod sa mga pangunahing daungan sa hilagang baybayin ng Colombia sa rehiyon ng Baybayin ng Karibe, sa kahabaan ng Dagat Karibe.

Ang kasalukuyang lungsod—na ipinangalan sa Cartagena, Espanya at, sa gayon, sa makasaysayang lungsod ng Kartago—ay itinatag noong 1 Hunyo 1533 ng Kastilang mananakop na si Pedro de Heredia, kaya isa ito sa mga pinakamatandang kolonyal na lungsod sa Timog Amerika.[4] Karamihan sa mga pamanang pansining at pangkultura nito ay nagmula sa panahong ito. Mula sa pagkakatatag nito at sa buong panahon ng pamumuno ng Espanya, naging isa sa mga pinakamahalagang daungan sa Kastilang Amerika ang Cartagena. Isa itong mahalagang daungan para sa pagluluwas ng pilak mula sa Bolivia patungong Espanya at para sa pag-aangkat ng mga inaliping Aprikano sa ilalim ng sistemang asiento. Napoprotektahan ito laban sa mga pag-atake ng mga pirata sa Karibe.[5] Dahil sa estratehikong lokasyon ng lungsod sa pagitan ng mga ilog ng Magdalena at Sinú, nagkaroon ito ng madaling daan patungo sa kaloob-looban ng New Granada at nagsilbing pangunahing daungan para sa kalakalan sa pagitan ng Espanya at ng mga kolonya nito sa ibayong-dagat, na nagpatibay sa kahalagahan nito noong unang bahagi ng dekada 1540. Noong 11 Nobyembre 1811, idineklara ng Cartagena ang kalayaan nito mula sa Espanya.

Sa paglipas ng panahon, pinaunlad ng Cartagena ang urbanong bahagi nito habang pinapanatili ang makasaysayang sentro, at naging isa sa mga pinakamahalaga at tanyag na destinasyon ng mga turista sa Colombia at sa Karibe. Ang kasalukuyang Cartagena ay may populasyon na 876,885 ayon sa senso noong 2018,[6] na ginagawa itong ikalawang pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng Karibe, kasunod ng Barranquilla, at ang ikalimang pinakamalaking lungsod sa Colombia. Ang kalakhang pook ng Cartagena ang ikaanim na pinakamalaking urbanong lugar sa bansa, kasunod ng kalakhang pook ng Bucaramanga. Kabilang sa mga aktibidad na pang-ekonomiya ang mga industriyang pandagat at petrokemikal, pati na rin ang turismo. Ang Cartagena rin ang nagsisilbing tahanan ng himpilan ng Departmental Assembly ng Bolívar at ng Administrative Court ng Bolívar.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-02. Nakuha noong 2017-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  2. ↑ "Manuel Vicente "Manolo" Duque, se posesionó como alcalde de Cartagena" [Vicente Manuel "Manolo" Duque inaugurated as mayor of Cartagena]. El Universal (sa wikang Kastila). 1 Enero 2016. Nakuha noong 9 Oktubre 2016.
  3. 1 2 "Estimaciones de Población 1985–2005 y Proyecciones de Población 2005–2020 Total Municipal por Área (estimate)". DANE. Nakuha noong 10 Nobyembre 2016.
  4. ↑ "Big on Charm: Colonial Cartagena". Travel (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-03-03. Nakuha noong 10 Setyembre 2026.
  5. ↑ Lance R. Grahn, "Cartagena" in Encyclopedia of Latin American History and Culture, vol. 1, p 581. New York: Charles Scribner's Sons 1996.
  6. ↑ Citypopulation.de


ColombiaHeograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Kolombiya at Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.