Pumunta sa nilalaman

Ticino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Ticino ( /tᵻˈtʃiːnoʊ/ tih-CHEE-noh), minsan Tessin /tɛˈsiːn,_tɛˈsæ̃/ tess-EEN ), opisyal na[1] Republika at Canton ng Ticino,[a] ay isa sa 26 na canton na bumubuo sa Kompederasyong Suwisa. Ito ay binubuo ng walong distrito at ang kabesera nito ay Bellinzona. Ito rin ay tradisyonal na nahahati sa Sopraceneri at Sottoceneri, ayon sa pagkakabanggit sa hilaga at timog ng Monte Ceneri.

Ang Ticino ay ang pinakatimog na canton ng Suwisa. Isa ito sa tatlong malalaking canton sa katimugang Alpino, kasama ang Valais at ang Grisons. Gayumpaman, hindi tulad ng lahat ng iba pang mga kanton, ito ay halos nasa timog ng Alpes at walang natural na daanan patungo sa Kapatagang Suwisa. Sa pamamagitan ng pangunahing tuktok ng Masiso ng San Gotardo at mga katabing bulubundukin, ito ay nasa hangganan ng kanton ng Valais sa hilagang-kanluran, ng kanton ng Uri sa hilaga at ng kanton ng Grisons sa hilagang-silangan; ang huling kanton din ang tanging nagbabahagi ng ilang hangganan sa Ticino sa antas ng kapatagan. Ang canton ay may mga internasyonal na hangganan din sa Italya, kabilang ang isang maliit na engklabo ng Italya.

Ipinangalan sa Ticino, ang pinakamahabang ilog nito, ito lamang ang kanton kung saan ang Italyano ang tanging opisyal na wika at kumakatawan sa karamihan ng lugar na nagsasalita ng Italyano sa Suwisa kasama ang mga katimugang bahagi ng Grisons. Noong 2020, ang Ticino ay may populasyon na 350,986.Padron:Swiss populations ref Ang pinakamalaking lungsod ay ang Lugano, at ang dalawa pang kilalang sentro ay ang Bellinzona at Locarno. Bagaman ang heograpiya ng rehiyon ng Sopraceneri ay minarkahan ng Mataas na Alpes at Lawa Maggiore, ang heograpiya naman ng Sottoceneri ay minarkahan ng paanan ng Alpes at Lawa ng Lugano. Ang canton, na naging isa sa mga pangunahing destinasyon ng turista ng Suwisa, ay nakikilala ang sarili nito mula sa ibang bahagi ng bansa dahil sa mainit na klima, kultura, at gastronomiya nito.

Ang lupang kasalukuyang sinasakop ng kanton ay inagaw mula sa mga lungsod ng Italya noong ika-15 siglo ng iba't ibang puwersang Suwisa sa mga huling kampanyang Transalpino ng Lumang Kompederasyong Suwisa. Sa Republikang Helvetica, na itinatag noong 1798, ito ay hinati sa pagitan ng dalawang bagong canton ng Bellinzona at Lugano. Ang Batas ng Pamamagitan noong 1803 ay nagsanib sa dalawang canton na ito upang bumuo ng modernong kanton ng Ticino. Dahil sa hindi pangkaraniwang lokasyon nito, ang canton ay umaasa sa mahahalagang impraestruktura para sa koneksiyon sa ibang bahagi ng bansa. Ang unang pangunahing koneksiyon ng riles ng tren mula hilaga hanggang timog sa kabila ng Alps, ang Daambakal ng San Gotardo, ay binuksan noong 1882. Noong 2016, pinasinayaan ang Baseng Lagusang Gotardo, na sa wakas ay nagbigay ng isang ganap na patag na ruta sa Alpes.

Ang GDP per capita ng Ticino ay 83,450 Suwisang franco noong 2020, mas mataas sa pangkaraniwang Suwisa na 80,418 Suwisang franco sa parehong panahon.[2] Isa ito sa pinakamayamang lugar sa Europa. Ang Ticino ang may pangalawang pinakamataas na inaasahang haba ng buhay (85.2 taon) sa Europa noong 2018.[3] Ang Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao na 0.961 noong 2021 ay isa sa pinakamataas na natagpuan saanman sa mundo.

Ang pangalang Ticino ay pinili para sa bagong tatag na kanton noong 1803, hango sa ilog Ticino na dumadaloy dito mula sa Pasong Novena hanggang sa Lawa Maggiore.[4]

  1. ↑ Italyano: Repubblica e Cantone Ticino, informally Canton Ticino [kanˈton tiˈtʃiːno]; Lombard: Cantón Tesin [kaŋˈtoŋ teˈziŋ]; Aleman: Kanton Tessin [ˈkantɔn tɛˈsiːn] ⓘ; Pranses: Canton du Tessin [kɑ̃tɔ̃ dy tɛsɛ̃] ⓘ; Romansh: Chantun dal Tessin [tɕɐnˈtun dɐl teˈsin] ⓘ.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ Il Ticino in breve, ti.ch (official website of the canton).
  2. ↑ Federal Statistical Office (12 November 2019). "Cantonal gross domestic product (GDP)". www.bfs.admin.ch (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 September 2021.
  3. ↑ swissinfo.ch, S. W. I. (2020-09-30). "Ticino has second-highest life expectancy in Europe". SWI swissinfo.ch (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-02-17.
  4. ↑ "Lo scorrere del fiume, l'opera dell'uomo". Azienda elettrica ticinese. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 October 2014. Nakuha noong 28 October 2014.

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  •  This article incorporates text from a publication now in the public domain: <span class="mw-reference-text reference-text" id="mw-reference-text-cite_note-Stat2020_TI-2">.mw-parser-output cite.citation{font-style:inherit;word-wrap:break-word}.mw-parser-output .citation q{quotes:"\"""\"""'""'"}.mw-parser-output .citation:target{background-color:rgba(0,127,255,0.133)}.mw-parser-output .id-lock-free.id-lock-free a{background:url("//upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/6/65/Lock-green.svg")right 0.1em center/9px no-repeat}.mw-parser-output .id-lock-limited.id-lock-limited a,.mw-parser-output .id-lock-registration.id-lock-registration a{background:url("//upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/d/d6/Lock-gray-alt-2.svg")right 0.1em center/9px no-repeat}.mw-parser-output .id-lock-subscription.id-lock-subscription a{background:url("//upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/aa/Lock-red-alt-2.svg")right 0.1em center/9px no-repeat}.mw-parser-output .cs1-ws-icon a{background:url("//upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/4/4c/Wikisource-logo.svg")right 0.1em center/12px no-repeat}body:not(.skin-timeless):not(.skin-minerva) .mw-parser-output .id-lock-free a,body:not(.skin-timeless):not(.skin-minerva) .mw-parser-output .id-lock-limited a,body:not(.skin-timeless):not(.skin-minerva) .mw-parser-output .id-lock-registration a,body:not(.skin-timeless):not(.skin-minerva) .mw-parser-output .id-lock-subscription a,body:not(.skin-timeless):not(.skin-minerva) .mw-parser-output .cs1-ws-icon a{background-size:contain;padding:0 1em 0 0}.mw-parser-output .cs1-code{color:inherit;background:inherit;border:none;padding:inherit}.mw-parser-output .cs1-hidden-error{display:none;color:var(--color-error,#bf3c2c)}.mw-parser-output .cs1-visible-error{color:var(--color-error,#bf3c2c)}.mw-parser-output .cs1-maint{display:none;color:#085;margin-left:0.3em}.mw-parser-output .cs1-kern-left{padding-left:0.2em}.mw-parser-output .cs1-kern-right{padding-right:0.2em}.mw-parser-output .citation .mw-selflink{font-weight:inherit}@media screen{.mw-parser-output .cs1-format{font-size:95%}html.skin-theme-clientpref-night .mw-parser-output .cs1-maint{color:#18911f}}@media screen and (prefers-color-scheme:dark){html.skin-theme-clientpref-os .mw-parser-output .cs1-maint{color:#18911f}}</span>Coolidge, William Augustus Brevoort (1911). "Ticino". In Chisholm, Hugh (ed.). Encyclopædia Britannica. Vol. 26 (11th ed.). Cambridge University Press. pp. 933–934.
  • Marcello Sorce Keller, "Canton Ticino: una identità musicale?", Cenobio, LII (2003), April–June, pp. 171–184; also later published in Bulletin – Schweizerische Gesellschaft für Musikethnologie und Gesellschaft für die Volksmusik in der Schweiz, October 2005, pp. 30–37.
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:Canton TicinoPadron:Cantons of SwitzerlandPadron:Regions of SwitzerlandPadron:Switzerland topics