Tech/Pagpapalit ng server
Pagpapalit ng serbidor - May parating na panahon na maaari mo lamang basahin ang iyong wiki na hindi tatagal nang masyado
Basahin ang mensaheng ito sa ibang wika • Please help translate to your language
Ililipat ng Pundasyong Wikimedia ang trapikong dumadaloy sa pagitan ng mga sentro ng datos (data centers) nito. Sinisigurado nito na mananatiling online ang Wikipedia at ang iba pang mga wiki ng Wikimedia kahit dumaan ang isang sakuna.
Ililipat ang lahat ng trapiko sa 28 Oktubre. Magsisimula ang pagpapalit sa 15:00 UTC.
Sa kasamaang palad, dahil sa ilang mga limitasyon sa MediaWiki, kailangan munang ihinto ang lahat ng pamamatnugot habang ginagawa ang paglilipat. Humihingi kami ng paumanhin para sa pagkagambalang ito, at sinisikap naming mabawasan ito sa mga susunod na panahon.
May ipapakitang bandera sa lahat ng mga wiki 30 minuto bago magsimula ang operasyong ito. Magpapakita ang bandera into hanggang matapos ang operasyong ito. Maaari kang makisama sa pagsasalin o pagwawasto ng teksto ng banderang ito.
Makababasa ka, ngunit hindi makakapagbago, ng lahat ng mga wiki sa loob lamang ng maikling panahon.
- Hindi ka makakapagbago ng hanggang sa isang oras sa Miyerkules 28 Oktubre 2026.
- Kung susubukin mong magbago o maglagak sa mga oras na ito, makakikita ka ng mensahe ng kamalian. Inaasahan namin na walang mawawala na pagbabago sa mga minutong ito, ngunit hindi namin ito maipapangako. Kung nakikita mo ang mensahe ng kamalian, mangyaring maghintay hanggang bumalik sa normal na ang lahat. Pagkatapos niyon ay maaari mo nang mai-save ang iyong edit. Ngunit hinihikayat namin na gumawa ka ng kopya ng iyong mga pagbabago, upang makasigurado.
Mga ibang epekto:
- Babagal ang mga background job at maaaring hindi tumakbo ang ilan. Maaaring hindi maisasapanahon ang mga pulang kawing ng kasing bilis ng normal. Kung maglilikha ka ng artikulo na nakakawing na sa ibang lugar, mas matagal na mananatiling pula ang kawing. Kailangang pahintuin ang mga ilang pangmatagalang skrito.
- Inaasahan namin na ang mga code deployment ay mangyayari katulad ng sa anumang ibang mga linggo. Ngunit maaring may mga pagtitigal sa pagbabago ng kodigo na mangyayari sa tamang panahon kung kakailanganin nila ito pagkatapos.
- Hindi magagamit ang GitLab ng mga nasa 90 minutos.
Maaaring ipagpaliban ang proyektong ito kung kinakailangan. Maaari mong basahin ang iskedyul sa wikitech.wikimedia.org. Ihahayag ang anumang pagbabago sa iskedyul.
Mangyaring ibahagi ang impormasyon sa iyong pamayanan.