AC Milan
| Buong pangalan | Associazione Calcio Milan S.p.A.[1] | |||
|---|---|---|---|---|
| Palayaw | I Rossoneri (The Red and Black) Il Diavolo (The Devil) | |||
| Itinatag | 18 Disyembre 1899,[2] as Milan Foot-Ball and Cricket Club | |||
| Stadium | San Siro | |||
| Kapasidad | 75,817 (limited capacity) 80,018 (maximum capacity) | |||
| Owner(s) | RedBird Capital Partners (99.93%)[3][4] Private shareholders (0.07%)[5] | |||
| President | Paolo Scaroni | |||
| Head coach | Ruben Amorim | |||
| Liga | Padron:Italian football updater | |||
| Padron:Italian football updater | Padron:Italian football updater | |||
| Website | acmilan.com | |||
|
| ||||
Ang Associazione Calcio Milan (Bigkas sa Italyano: [assotʃatˈtsjoːne ˈkaltʃo ˈmiːlan]), karaniwang tinutukoy bilang AC Milan o simpleng Milan (Bigkas sa Italyano: [ˈmiːlan]) pangunahin sa labas ng Italya,[6] ay isang Italyanong propesyonal na club ng futbol na nakabase sa Milan, Lombarda. Itinatag noong 1899, ang club ay nakikipagkumpitensiya sa Serie A, ang nangungunang tier ng Italyanong fubtol. Sa unang bahagi ng kasaysayan nito, naglaro ang Milan ng mga laro sa kanilang tahanan sa iba't ibang lugar sa paligid ng lungsod bago lumipat sa kasalukuyang estadyo nito, ang San Siro, noong 1926.[7] Ang estadyo, na itinayo ng pangalawang tagapangulo ng Milan, si Piero Pirelli, at ibinahagi sa Inter Milan simula noong 1947,[8] ang pinakamalaki sa Italyanong futbol, na may kabuuang kapasidad na 75,817.[9] Ang club ay may matagal nang ribalan sa Inter, kung saan makakalaban nila ang Derby della Madonnina, isa sa mga pinakasinusubaybayang derby sa futbol.[10]
Ginugol ng Milan ang buong kasaysayan nito sa Serie A maliban sa mga kapanahunang 1980–81 at 1982–83.[11][12] Ang 31-taong panunungkulan ni Silvio Berlusconi bilang pangulo ng Milan ay isang natatanging panahon sa kasaysayan ng club, dahil itinatag nito ang kanilang sarili bilang isa sa pinakadominante at matagumpay na mga club sa Europa. Nanalo ang Milan ng 29 na tropeo sa panahon ng panunungkulan nito, kung saan natiyak nito ang maraming titulo sa Serie A at UEFA Champions League. Noong kapanahunang 1991-92, kapansin-pansing nakamit ng club ang tagumpay bilang unang koponan na nanalo ng titulo sa Serie A nang hindi natatalo kahit isang laro.[13] Ang Milan ay tahanan ng maraming nagwagi ng Ballon d'Or, at tatlo sa mga manlalaro ng club, sina Marco van Basten, Ruud Gullit, at Frank Rijkaard, ay naranggo sa nangungunang tatlo sa podio para sa 1988 Ballon d'Or, isang walang kapantay na tagumpay sa kasaysayan ng timpalak.[14]
Ang Milan ay isa sa pinakamatagumpay na mga club ng futbol sa mundo sa mga tuntunin ng kabuuang mga tropeyong napanaluhan. Sa loob ng bansa, ang Milan ay nanalo ng 19 na titulo sa liga,[15] 5 titulo sa Coppa Italia at 8 titulo sa Supercoppa Italiana.[16] Sa mga kompetisyong pandaigdig, ang Milan ang pinakamatagumpay na club ng Italya.[17][16][18][19][20] Ang club ay nanalo ng pitong titulo sa European Cup/ Champions League, kaya sila ang pangalawang pinakamatagumpay na koponan sa kompetisyon kasunod ng Real Madrid, at kabilang sa mga karagdagang parangal ang limang UEFA Super Cup, dalawang UEFA Cup Winners' Cup, isang pinagsamang rekord[21] dalawang Latin Cup, isang pinagsamang rekord[22] tatlong Intercontinental Cup at isang FIFA Club World Cup.[16]
Ang Milan ay isa sa pinakamayamang club sa football ng Italya at mundo.[23] Ito ay isang kasaping nagtatag ng hindi nang umiiral na grupong G-14 ng mga nangungunang club ng futbol sa Europa pati na rin ang kapalit nito, ang European Club Association.[24]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang AC Milan ay itinatag bilang Milan Foot-Ball and Cricket Club noong 1899 ng Ingles na dayuhang si Herbert Kilpin.[25] Minamarapat ng club na Disyembre 16 ng taong iyon ang kanilang petsa ng pagkakatatag,[26] ngunit tila ipinahihiwatig ng mga ebidensiya sa kasaysayan na ang club ay itinatag ilang araw pagkatapos, malamang noong Disyembre 18.[2] Gayumpaman, dahil nawala ang karta ng club, ang eksaktong petsa ay nananatiling bukas para sa debate.
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Organisational chart". acmilan.com. Associazione Calcio Milan. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 October 2010. Nakuha noong 15 December 2024.
- 1 2 "La nascita di un mito" [The birth of a myth]. Maglia Rossonera (sa wikang Italyano). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 June 2018. Nakuha noong 20 December 2024.
- ↑ "RedBird Capital Partners completes acquisition of AC Milan". acmilan.com. Associazione Calcio Milan. 31 August 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 November 2022. Nakuha noong 1 September 2022.
- ↑ "Relazione e bilancio al 30 giugno 2019" [Financial statement as of 30 June 2019] (PDF) (sa wikang Italyano). Associazione Calcio Milan. 18 October 2019. p. 14. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 22 October 2020. Nakuha noong 10 October 2020.
- ↑ "Chi Siamo" [About]. APA Milan (sa wikang Italyano). 15 May 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 October 2020. Nakuha noong 10 October 2020.
- ↑ From Sporting Lisbon to Athletic Bilbao — why do we get foreign clubs' names wrong?
- ↑ "AC Milan: Serie A club plan to move out of San Siro to new 70,000-capacity stadium". BBC Sport (sa wikang Ingles). 2023-09-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 May 2024. Nakuha noong 2024-05-28.
- ↑ "History of San Siro stadium". Inarkibo mula sa orihinal noong 13 August 2022. Nakuha noong 8 July 2022.
- ↑ "San Siro Stadium – "La Scala del Calcio"". San Siro Stadium. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 September 2025. Nakuha noong 6 February 2026.
- ↑ "The Biggest Rivalries in World Football". Inarkibo mula sa orihinal noong 12 May 2025. Nakuha noong 12 May 2025.
- ↑ "History". acmilan.com. Associazione Calcio Milan. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 October 2010. Nakuha noong 4 October 2010.
- ↑ Neil Heath (17 November 2009). "AC Milan's Nottingham-born hero". BBC. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 November 2017. Nakuha noong 4 October 2010.
- ↑ "Milano History and Records". Milanista Olympia. 25 July 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 March 2006.
- ↑ Leiva, Juanma (2023-05-10). "AC Milan vs Inter: which Champions League semi-finalist is the bigger club?". AS USA (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 October 2024. Nakuha noong 2024-10-05.
- ↑ "Albo d'oro". legaseriea.it (sa wikang Italyano). Lega Nazionale Professionisti Serie A. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 October 2010. Nakuha noong 4 October 2010.
- 1 2 3 "Honours". acmilan.com. Associazione Calcio Milan. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 October 2010. Nakuha noong 4 October 2010.
- ↑ Being in South America, Boca Juniors's and Independiente's titles are with CONMEBOL instead of UEFA
- ↑ "International Cups Trivia". Rec.Sport.Soccer Statistics Foundation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 October 2020. Nakuha noong 18 December 2016.
- ↑ Conn, Tom (21 December 2014). "Real Madrid match AC Milan and Boca Juniors with 18 international titles". Inside Spanish Football. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 December 2014. Nakuha noong 22 December 2014.
- ↑ "Milan loses the throne. Al Ahly is the most successful club in the world". Football Magazine. 22 February 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 December 2014. Nakuha noong 22 December 2014.
- ↑ Shared with Barcelona and Real Madrid
- ↑ Shared with Boca Juniors, Nacional, Peñarol and Real Madrid
- ↑ "Soccer Team Valuations". forbes.com. 30 April 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 September 2010. Nakuha noong 4 October 2010.
- ↑ "ECA Members". ecaeurope.com. European Club Association. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 June 2010. Nakuha noong 4 October 2010.
- ↑ Neil Heath (17 November 2009). "AC Milan's Nottingham-born hero". BBC. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 November 2017. Nakuha noong 4 October 2010.
- ↑ "History of the AC Milan". acmilan.com. Associazione Calcio Milan. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 April 2014. Nakuha noong 9 October 2020.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website (sa Italyano, Ingles, and Tsino)
- AC Milan at Serie A
- AC Milan at UEFA
May kaugnay na midya ang AC Milan sa Wikimedia Commons