Inter Milan
| Buong pangalan | Football Club Internazionale Milano S.p.A.[1][2] | |||
|---|---|---|---|---|
| Palayaw |
| |||
| Pinaikling pangalan |
| |||
| Itinatag | 9 Marso 1908 (as Football Club Internazionale) | |||
| Stadium | San Siro | |||
| Kapasidad | 75,817 (limited capacity) 80,018 (maximum capacity) | |||
| Owners |
| |||
| President | Giuseppe Marotta[4] | |||
| Head coach | Cristian Chivu | |||
| Liga | Padron:Italian football updater | |||
| Padron:Italian football updater | Padron:Italian football updater | |||
| Website | inter.it | |||
|
| ||||
Ang Football Club Internazionale Milano, malawakang tinutukoy bilang Internazionale (binibigkas [internattsjoˈnaːle]) o simpleng Inter (Bigkas sa Italyano: [ˈinter]), at karaniwang kilala bilang Inter Milan sa mga bansang nagsasalita ng Ingles,[5] ay isang Italyanong propesyonal na club ng futbol na nakabase sa Milan, Lombardia. Ang Inter ang tanging koponan na mayroong walang-patid na presensiya sa nangungunang dibisyon ng futbol ng Italya, na kasalukuyang Serie A, simula nang ilabas ito noong 1909, at hindi kailanman nasailalim sa relegasyon tungong Serie B. Simula noong 1947, ibinahagi ng Inter ang estadyo ng San Siro, ang pinakamalaking estadyo sa Italya,[6] kasama ang AC Milan, kung saan nakikipagkumpitensiya sila sa matagal nang Derby della Madonnina, isa sa mga pinakasinusubaybayang ribalan ng futbol sa mundo.[7]
Ang club ay itinatag noong Marso 9, 1908 matapos ang tunggalian sa loob ng Milan Foot-Ball and Cricket Club (ngayon ay AC Milan), at napanaluhan nito ang unang kampeonato nito noong 1910. Simula nang mabuo ito, ang club ay nanalo ng 39 na domestikong tropeo, kabilang ang 21 titulo sa liga, 10 Coppa Italia, at 8 Supercoppa Italiana. Mula 2006 hanggang 2010, nanalo ang club ng limang magkakasunod na titulo sa liga, na katumbas ng rekord sa lahat ng panahon noong panahong iyon.[8] Tatlong beses na itong nanalo sa European Cup/Champions League. Ang pinakahuling panalo nito noong 2010 ay nagkumpleto ng isang walang kapantay na kapanahunang triplete ng Italya, kung saan nanalo rin ang Inter ng titulong Serie A title at Coppa Italia sa parehong taon.[9] Nanalo rin ang club ng tatlong UEFA Cup, dalawang Intercontinental Cup, at isang FIFA Club World Cup.
Ang Inter ang may pinakamataas na bilang ng manonood ng mga laro sa kanilang tahanan sa Italya[10] at ang pang-apat na pinakamataas na bilang ng manonood sa Europa.[11] Mula noong Mayo 2024, ang club ay pagmamay-ari na ng Amerikanong kompanya sa pamamahala ng ari-arian na Oaktree Capital Management.[12]

Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakatatag at mga unang taon (1908–1960)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang club ay itinatag noong Marso 9, 1908 bilang Football Club Internazionale, nang ang isang grupo ng mga manlalaro ay umalis sa Milan Cricket and Football Club (ngayon ay AC Milan) upang bumuo ng isang bagong club dahil nais nilang tumanggap ng mas maraming dayuhang manlalaro.[13] Ang pangalan ng club ay nagmula sa kagustuhan ng mga kasaping tagapagtatag nito na tanggapin ang mga dayuhang manlalaro pati na rin ang mga Italyano.[14] Napanahnan ng club ang unang kampeonato nito noong 1910 at ang pangalawa nito noong 1920.[15] Ang kapitan at coach ng unang koponan na nagwagi ng kampeonato ay si Virgilio Fossati,[16] na kalaunan ay namatay sa labanan habang naglilingkod sa hukbong Italyano noong Unang Digmaang Pandaigdig.[17]
Noong 1922, nanganganib ang Inter sa relegasyon tungo sa Ikalawang Dibisyon ng Ligang Hilaga, ngunit nanatili sila sa nangungunang liga matapos manalo ng dalawang play-off.[18]
Pagkalipas ng anim na taon, noong panahon ng mga Pasista, ang club ay nagsanib sa Unione Sportiva Milanese at, dahil sa mga kadahilanang pampulitika, pinalitan ng pangalan bilang Società Sportiva Ambrosiana.[19] Noong panahon ng 1928–29, ang koponan ay nagsuot ng mga puting jersey na may nakaukit na pulang krus; ang disenyo ng jersey ay inspirasyon ng watawat at eskudo ng lungsod ng Milan.[20] Noong 1929, binago ng bagong tagapangulo ng club na si Oreste Simonotti ang pangalan ng club sa Associazione Sportiva Ambrosiana at ibinalik ang dating itim-at-asul na mga jersey; gayumpaman, patuloy na tinawag ng mga tagasuporta ang koponan na Inter, at noong 1931, sumuko ang bagong tagapangulong si Pozzani sa pressure ng mga shareholder at binago ang pangalan tungo sa Associazione Sportiva Ambrosiana-Inter.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "FC Internazionale Milano S.p.A.". Financial Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 December 2022. Nakuha noong 23 July 2021.
- ↑ "The history and evolution of the Inter crest" (sa wikang Ingles). Milan: Inter.it. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 July 2022. Nakuha noong 13 April 2024.
- ↑ List of shareholders on 30 June 2016, document purchased from Italian C.C.I.A.A.
- ↑ "Inter shareholders approve new Board of Directors". inter.it (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 November 2024. Nakuha noong 4 June 2024.
- ↑ Prathivi, Niken (24 May 2012). "Inter Milan arrives in Jakarta to prepare for two friendlies". The Jakarta Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 September 2013. Nakuha noong 25 July 2013.
- ↑ "San Siro Stadium – "La Scala del Calcio"". San Siro Stadium. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 September 2025. Nakuha noong 6 February 2026.
- ↑ "Men's soccer rivalries to know: El Clásico, Manchester Derby". ESPN.com (sa wikang Ingles). 12 May 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 June 2025. Nakuha noong 1 June 2025.
- ↑ "Italy – List of Champions". RSSSF. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 July 2022. Nakuha noong 2 February 2023.
- ↑ "Inter join exclusive treble club". UEFA. 22 May 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 November 2012. Nakuha noong 9 August 2012.
- ↑ "Average matchday attendance in Serie A in 2023/24, by club". Statista. 18 October 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 September 2024. Nakuha noong 29 April 2025.
- ↑ "Top 20 Highest European Clubs Attendances". StadiumDB. 23 June 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 February 2025. Nakuha noong 29 April 2025.
- ↑ "Suning Holdings Group acquires majority stake of FC Internazionale Milano S.p.A." Inter Milan. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 June 2016. Nakuha noong 6 June 2016.
- ↑ Gifford, Clive (27 February 2024). "Inter Milan". britannica.com. Encyclopedia Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 February 2024. Nakuha noong 29 February 2024.
Inter was formed in 1908 by a breakaway group of players from the Milan Cricket and Football Club (now known as AC Milan) who wanted their club to accept more foreign players
- ↑ Wright, Chris (6 June 2023). "'Internazionale'? 'Inter Milan'? Just plain 'Inter'? What should we call Manchester City's Champions League final opponents?". espn.com. ESPN. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 September 2023. Nakuha noong 29 February 2024.
[T]he founding members decided to adopt a name that reflected their open-door policy.
- ↑ Brennan, Feargal (30 April 2023). "What is the Scudetto in Italy? Meaning, history, and past winners as Napoli near Serie A championship". sportingnews.com. The Sporting News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 March 2024. Nakuha noong 1 March 2024.
- ↑ Bianchi, Mattia (4 November 2023). "Virgilio Fossati: Dal campo di calcio al campo di battaglia" [Virgilio Fossati: From the football field to the battlefield]. MAMe (sa wikang Italyano). Milan: MAM-E srls. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 August 2025. Nakuha noong 1 March 2024.
- ↑ "Milan's legendary Azzurri leaders". FIFA. 9 September 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 March 2024. Nakuha noong 1 March 2024.
- ↑ "FC Inter Milan History". Socios (sa wikang Ingles). 2024-01-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 January 2026. Nakuha noong 2026-05-19.
- ↑ "Storia". FC Internazionale Milano. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 January 2010. Nakuha noong 6 September 2007.
- ↑ Galasso 2015.